FAQs
Dito makikita mo
FAQs
Mayroon kaming mga sagot sa ilan sa mga pinaka madalas na itanong tungkol sa minimum na pasahod sa L.A. County.
TAPAT NA GAWA, MAKATARUNGANG BAYAD
Simula Enero 1, 2016, ang pinakambabang pasahod sa Estado ng California ay $10.00 kada oras. Simula Hulyo 1, 2016, ang pinakamababang pasahod sa mga lugar na unincorporated sa Los Angeles County ay dadagdagan ayon sa sumusunod na talaan:
Para sa Employer na mayroong 26 o
Higit pang Empleyado:
|
|
Petsa ng
Pagkabisa
|
Pinakamababang
Pasahod
|
Hulyo 1, 2016
|
$10.50 |
Hulyo 1, 2017
|
$12.00 |
Hulyo 1, 2018
|
$13.25 |
Hulyo 1, 2019
|
$14.25 |
Hulyo 1, 2020
|
$15.00 |
Para sa Employer na mayroong 25 o
may Kaunting Empleyado:
|
|
Petsa ng
Pagkabisa
|
Pinakamababang
Pasahod
|
Hulyo 1, 2017
|
$10.50 |
Hulyo 1, 2018
|
$12.00 |
Hulyo 1, 2019
|
$13.25 |
Hulyo 1, 2020
|
$14.25 |
Hulyo 1, 2021
|
$15.00 |
Ang mga lugar na unincorporated ay hindi pinamamahalaan ng lokal na pamahalaan ng lungsod. Sa mga lungsod na incorporated, maaring itakda ng lokal na pamahalaan ng lungsod ang pinakamababang pasahod. Sa mga lugar na incorporated, maaring itakda ng Tagapamahala ng Lupon ng County ang pinakamababang pasahod. Bisitahin ang website ng County Registrar Recorder upang malaman kung ikaw ay nagtatrabaho sa lugar na unincorporated: bisitahin ang register recorder website
Hindi. Mayroong 88 na lungsod na incorporated sa County ng Los Angeles. Iniisip ng maraming lungsod na tataasan nila ang kanilang pinakamababang pasahod, at ginawa na ito ng ilan, kabilang ang Lungsod ng Los Angeles.
Sila ay magkahiwalay na batas, ngunit ang mga dagdag sa pinakamababang pasahod sa mga lugar na unincorporated ng L.A. County at sa incorporated na Lungsod ng Los Angeles ay tumatalima sa parehong talaan at singil ng pagbayad, o mga singil bawat oras.
Kung ikaw ay nagtatrabaho ng kahit dalawang oras kada linggo sa mga lugar na unincorporated ng County, ikaw ay may karapatan sa pinakamababang pasahod ng County para sa bawat oras na nagtrabaho sa mga lugar na unincorporated. Ito ay para sa full-time at part-time na manggagawa, kahit sa mga hindi nakatira sa unincorporated L.A. County.
Ang pinakamababang pasahod ay batay sa kung saan ginawa ang trabaho, hindi kung saan ang employer ay headquartered. Ang mga empleyado na nagtatrabaho sa isang lungsod na incorporated ay sakop ng pinakamababang pasahod ng lungsod na iyon. Kung ang lungsod na iyon ay walang pinakamababang pasahod, ang pinakamababang pasahod ng estado ng California ang nalalapat. Simula Enero 1, 2016, ang pinakamababang pasahod ng Estado ay $10.00 kada oras.
Oo. Lahat ng empleyado, kabilang ang ang mga empleyadong part-time, ang mga nasa probation at ang mga sinasanay, na nagtatrabaho ng kahit dalawang oras kada linggo sa mga lugar na unincorporated ng County ng Los Angeles ay may karapatan sa bagong pinakamababang pasahod.
Hindi.
Oo, nang may ilang pagbubukod (exceptions). Ang mga employer na pampubliko ay hindi sakop ng batas, at sinumang empleyado o employer na hindi sakop ng pinakamababang pasahod ng Estado ay hindi rin saklaw ng pinakamababang pasahod ng County. Ngunit, ang mga employer na hindi pangkalakal ay kailangang sumunod sa ordinansa.
Oo, inaatasan ka ng batas ng estado na magbigay abiso sa mga empleyado bago ang kanilang unang araw ng trabaho na nagpapahiwatig ng kanilang pay rate (singil bawat oras), oras at paraan ng pagbayad; at panahon ng pagbayad (halimbawa, lingguhan, minsan sa dalawang linggo). Kinakailangan rin magbigay abiso ng employer sa empleyado kapag may pagbabago sa negosyo (address, pagmamay-ari, o pangalan) at/o kanilang pay rate sa loob ng pitong araw mula noong ginawa ang pagbabago.
Oo. Ang mga empleyado ay maaaring may karapatan sa pinansiyal na remedyo para sa kapinsalaan at sahod na hindi nila nakuha kung hindi sila binayaran ng tamang pasahod.
Ang mga empleyado at mga employer na may katanungan ay maaring tumawag sa Department of Consumer and Business Affairs sa teleponong (800) 593-8222 o magsumite ng tanong sa aming website sa. bisitahin ang dcba website